Ito po ay isang blog tungkol sa mga pangyayari, aktibidad, pagsusulit, at marami pang iba sa aming sabdyek na Filipino III. Wag mag-alala, ang pag-view ay libre lamang :) Gawa nila: Emmaree Lozada, Fritzy Gahuman at Pamela Gutierrez
Saturday, August 18, 2012
Brief Quiz Comment ni Pamela Gutierrez
Quiz comment: ang ating pinakahuling pagsusulit d gaanong mahirap dahil ako'y nakapag bukas (scan) ng aking aklat para pag aralan ang mga bagay na natalakay ng mga reporters noong nakaraan na mga araw... at ako'y umaasang makakapasa ako sa pagsusulit na yun... talagang ang swerte2 namin ngayong araw ng fiesta dahil kami'y nabigyan ng break sa aming pang araw2 na mga gawain sa paaralan...
Lakas ng Wikang Filipino, Tatag ng Pagka-Pilipino
Ano nga ba ang wika? Bakit ba ito mahalaga? At sa anong aspeto ba ng ating pagkatao ito nakakatulong?
Ang wika ay importante sa komunikasyon ng mga tao. Ito ay mahalaga sa pag-kokomunikasyon ng bawat taso sa isa't isa. Bilang isang Pilipino, dapat ay tungkulin natin ang sariling wika natin, dahil ang wikang Filipino ay bumubuo ng ating pagkatao. Ang wikang Filipino ay dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga Pilipino ngayon.
Mahalaga ang sariling wika sa pagbibigay kulay sa ating pagkatao. Ang wikang Filipino ay nagsisimbulo rin ng kalayaan ng ating bansa sa mga banyagang sumakop sa atin dati. Kaya, dapat bilang isang Pilipino, marunong dapat tayong lumingon sa ating pinanggalingan; dapat patuloy nating gamitin ang sariling wika.
Bilang isang Pilipino, hindi dapat natin ikahiya ang ating sariling wika dahil kung wala tayong sariling wika, parang wala na ring Pilipino na nabubuhay sa mundong ito.
Emz, The Explorer
Mayroon akong kaibigang maganda
Emmaree Jane ang ngalan niya
Siya'y mayroong maiksi at madulas na buhok
Kiat pud kung mulihok
Normally shaped ang kanyang noo
Hindi naman ito pinamumuguran ng mga mongo
Maayos ang pagkakaahit sa kanyang mga kilay
Mag paahit na lang pud ko unta sa ilang balay
Sa tabi ng kanyang sparkly na mga mata
Ay may nakatira na nunal na mukhang nagsasalita
Hindi naman insulto para sa kanya
Kay gwapa man gihapon siya!
May dalawang butas ang kanyang kanang tenga
Ay tamang-tama lang naman ang mga ilong niya
Kissable lips pa ika nga
Kinsa kaha ang unang naka-kiss sa iyaha?
Hindi siya babalu, at hindi naman si Dagul ang ama niya
Hindi lang ang round face niya ang cute, kundi ang height din niya
Fair skinned ang kutis niya at masarap ding mahaplos
Ang problema lang ay ang kamay na puno ng echos!
Ngunit kahit hindi siya perpekto, siya nama'y friendly ika mo,
Approachable siya na tao at aba! Nag Nivea deodorant pa! (hmm.. smells good!)
Hello Emz! Wika ko sayo, salamat at naging kaibigan kita,
Gwapa kaayo ka, unta mag-Cherrifer ka!
Wednesday, August 15, 2012
Reaksyon sa pelikulang BEADWORKS ni Ronny Poblacion
Beadworks ni Rony Poblacion |
Ito ay isang pelikulang tungkol sa mahirap na buhay ng pamilya ni Manong Domingo. Napilitan ang kanyang mga anak na kumapit sa patalim (gaya ng pagbibenta ng laman sa kaparehong kasarian) upang makatulong sa kanilang mga magulang, mapawi man lang ang kanilang pagod sa araw-araw na pag-be-beadwork.
Marami akong nakitang mga kalakasan at kahinaan ng Beadworks. Ang mga kalakasan ng pelikula ay sumusunod: una, magaling ang pagkaka-arte ng bawat artista. Makikita talaga sa kanilang mga facial expressions kung ano ang gusto nilang iparating sa mga manonood. Pangalawa, para sa akin, fit o akma ang mga artista sa kani-kanilang mga karakter na ginagampanan. Isang halimbawa ay si Keith Mamon na bagay na bagay sa kanyang pagiging barayang lalaki. At pangatlo o panghuli, maganda ang cinematography o ang masining na paraan ng pag-re-record ng video. Hindi kasi ito tulad ng ibang independent films na napanood ko na parang recording lang ng isang pisikal na kaganapan ang istilo ng kanyang pagkukuha ng video.
Syempre, kung may mga kalakasan, mayroon din namang mga kahinaan. Ito ay ang mga sumusunod: una, isang irony na pinayagan ng ina ang kanyang lalaking anak na makipag-sapalaran sa ibang lugar upang magbenta ng laman sa mga kaparehong kasarian. Nais niya (ang ina) raw kasing makatulong siya (ang anak) sa kanila. Pero, noong bumalik ito sa kanilang tahanan, sugatan at napilayan (dahil siya ay nasagasaan), pinagalitan niya ito dahil daw umalis lang ito at iniwan silang naghihirap. Pinayagan niyang umalis tapos nagalit siya nung bumalik. Kaya nga umalis ang anak dahil gusto niyang matulungan ang kanyang mga magulang, diba? Kaya, para sa akin, may mga parte kung saan nagkulang ang manunulat at scriptwriter. Pangalawa, napansin din namin ng aking mga kasamahan, ang masikip na shorts na sinuot ni Voltaire. Paano niya kaya ito sinuot na nakabalot ang kanyang kanang binti ng makapal na bandage? Kailangan din kasing pansinin at suriin kahit ang pinakamaliit na detalye upang makabuo ng magandang pelikula; dahil, ang kahit pinakamaliit na detalye ay nagbibigay ng touch of reality sa mga manonood.
Sa pangkalahatan, mahusay ang pagkakagawa. Natuto ko ring mahalin ang pelikulang gawang Pinoy dahil nakita ko ang pagkasensitibo ng mga Pilipino sa mga isyung panlipunan. Minumulat ng mga pelikulang tulad ng Beadwork ang mga manonood sa katotohanang may mga tao talagang ginagawa lang ang lahat, masira man ang dignidad, para lang sa kapakanan ng pamilya.
Subscribe to:
Posts (Atom)