Tuesday, September 25, 2012

Si Sir: Ang Tunay na Superhero! ni Jona Rochelle Desierto

Hindi man siya kasingyaman ni BATMAN,
Di naman niya ako hinahayaang maghirap.

Hindi man siya kasinglakas ni SUPERMAN,
Di naman siya nagdadalawang-isip ba pasanin ang aking problema.

Hindi man siya kasinggaling lumangoy ni AQUAMAN,
Di naman niya ako hinahayaang malunod sa problema.

Hindi man siya magnanakaw tulad ni ROBINHOOD,
Kayang kaya niyang i-snatch ang aking lumbay.

Sino nga ba ang superhero ko? Walang iba kundi ang titser ko.
Maraming salamat sa lahat ng natutunan ko mula sa iyo, 
Mr. Roger Nocom. :)


Superheroes? Hindi. [Super]villains.- Lovelle Liwanag



Ang mga guro ay mga superhero kalaban/kaaway/[super]villains. Hindi man sila nakasuot ng maskarang itim, kapa o wala man silang suot na damit panloob sa labas ng mga damit nila, sila’y mga kalaban sa aking mga mata. Bakit? Dahil sa may kapangyarihan sila sa mga estudyante nila at alam nila na hindi sila makakapalag (1) may kakayahan silang ibagsak ang kung sino mang estudyante na hindi nila gusto. Paraparaan lang ‘yan. At dahil nga guro sila at estudyante ka lang (2) pwede ka nilang pahiyain at laitin sa harap ng buong klase pero kapag ikaw naman ang babara sa kanila (3) kita-kita na lang kayo sa grado mo sa asignatura na ‘yun.
Pero gaya rin ng mga [super]villains na nakikita natin sa telebisyon, may dahilan kung bakit nagagawa nila ang mga ‘kasamaan’ na ito sa mga estudyante nila. Tingin ng mga estudyante, kapag binagsak sila ng guro nila, iisipin nila agad na, “Naka naman. May galit ba ‘tong mokong na’to sa akin!?” Pero hindi ba nila naisipan na baka, BAKA, bagsak lang talaga sila? Baka hindi lang talaga sila gumawa ng matinding pagsisikap para sa asignatura na ‘yun? Iba rin kasi kung tumakbo ang isipan ng mga estudyante; baluktot. Naranasan mo na bang mapahiya ng isang guro? Kasi ako, oo. Hindi naman sa madalas pero sa minsanang nangyari ‘to sa akin, nadudurog ang buong puso’t pagkatao ko. Mahiyain akong tao kaya ‘di ko kaya; ‘di ko tanggap. Pero (2) baka ginagawa lang ‘to ng mga guro natin sa atin dahil gusto lang nila na mas mapabuti tayo. Konting tulak para maging magaling tayo sa buhay. Sa bagay, kapag wala na tayo sa ating mga eskwelahan, mas marahas ang buhay sa labas ng silid-aralan. Kaya ito lamang ang paraan nila para tayo’y maging handa. At ang (3) talagang hindi pwede ‘yan. Nakakatanda ang mga guro natin sa atin. Respeto lang. Kung gustong magreklamo, gawin ng matiwasay at maayos. Huwag parang kung sinong umasta*
*Akala mo kung sinong mabait, ah. Eh, ginawa ko na ‘yan noong high school ako, eh. Pero pinagsisihan ko naman. Pero pinainit niya [ang guro] talaga ang ulo ko, eh.




 http://be1le.tumblr.com

"Ang Aking Tister na si Joan.." ni Fritzy Mae Gahuman

           

             Ang pinakahindi ko makalimutan na naging guro ko sa elementarya ay si Teacher Joan. Siya ay nagsisilbing pangalawang ina ko dahil sa tuwing ako ay inaatake ng hika ay agad niya akong sinusugod sa aming clinic sa school. At sa tuwing ako ay na-aadmit sa ospital ay siya ay bumibisita at tinatanong kung ano na ang aking lagay. Tinutulungan niya din akong makapag-aral nang mabuti at iniintindi niya ang aking kalagayan. Sa sobrang close namin ay inimbita niya ako bilang bridesmaid sa kanyang kasal noong 2005. Yun na yata ang pinakamaligayang araw ng aking teacher, dahil doon ko lang nakita ang pinakamaganda niyang ngiti.
            Noong nasa high school pa ako nagkaroon ako ng advicer at guro sa Filipino na napakamaabilidad at laging sumusuporta sa amin. Ang pangalan niya ay Rio Binatero Halayahay. Si Ma'am H ay laging nandyan upang ipakita ang kanyang walang sawang suporta sa amin tueing kami ay sumasali ng mga contest. Marami na kaming napagdaanan kasama ang aming teacher. Siya ay laging andyan para sa amin sa kasayahan man o kalungkutan. Noong kami ay namatayan ng kaklase at kaibigan, kasama din naming umiyak at nagdasal si Ma'am Halayahay. Siya ay laging maaasahan sa bawat panahon na kailangan namin siya.

"Si Mr.Choco" ni Emmaree Jane B. Lozada


         
            Noong nasa preschool hanggang elementarya pa ako, marami akong titser na naging kaaway. Siguro dahil na rin sa ugali kong pilya at palaaway na pati sila ay nagagalit at naiinsulto sa tuwing kinukureksyunan ko ang kanilang mali-maling grammar at pronansasyon ng mga salita:  "Teacher, it's not berd.. It's beard", "No teacher, Pluto's moon is not pronounced as Charon as chicharon.. It's Sharon, para sosyal!" at kung anu-ano pang kagaguhan na pinaggagawa ko na hindi ko na maalala. Kaya pag consultation day na with the parents, as expected, sinusumbong ako ng mga titser ko: "Ma'am you're child is misbehaving during classes" , "..ka-maldita na lang jud sa inyung bata!" , at marami pang sumbong na tulad niyan. Akala ko, forever menace na ako sa mga mata ng mga teachers ko.
           
            Pero nung nakilala ko ang mga guro sa hayskul (lalung-lalo na sa mga titser ko mula third year hanggang fourth year), naramdaman ko ang pagmamahal at bond between ng estudyante at kanyang guro. Isa sa pinaka da best kong guro ay si Sir Larry Cezar.
     
            Siya ang pinakamaalaga, nakakatawa at napaka-loving naming guro. Tatay ang tawag namin sa kanya kasi siya ang nagsilbing ama namin sa aming klasrum ng aking mga kaklase. Para lang makuha ang aming interes, sinusubukan niya palaging magpatawa habang nagleleksyon kami. Barkada rin ang turing namin sa kanya dahil nakikisabay siya sa aming mga birit na jokes at kakwelahan. Kalaro siya ng DOTA ng aming mga kaklaseng lalaki at kapustahan niya pa kung sino ang mananalo.

            In fact, may tawagan pa nga kami eh.. Buwaya tawag niya sa akin (dahil malaki raw bunganga ko) at Choco Mucho naman tawag namin sa kanya (kasi. BASTA. Alam niyo na siguro kung bakit). Kasabay namin siyang mag-outing, takbuhan at akyatan sa mesa at mga upuan sa loob ng klasrum pag naglalaro ng pambansang laro ng batch namin na Lupa't langit. Marami na man rin kaming natutunan sa kanya... Hindi lang sa larangan ng matematika, kundi pati na rin sa iba't ibang aspeto ng aming mga buhay. Tinuruan niya akong maging matatag tuwing may darating na unos sa aking buhay. Siya ang nagsisilbing tagapayo ko tuwing may problema ako sa akademiko, kaibigan, pamilya, at love life. Siya rin ang nagpapatawa sa akin tuwing ako ay malungkot. Andyan siya upang umalalay at sumuporta sa amin tuwing sasali kami ng mga patimpalak: quiz bee, contest sa loob at labas ng paaralan.

           Hinahangaan ko siya dahil bukod na siya ay maka-Diyos, siya ay isang napakabuting tao..anak..kuya..churchmate..guro..ama sa aming mga estudyante niya. At ang pinaka nakaka-touch na part? Pinapakita niya na mahalaga ako at hindi ako isang walang kwentang tao.

 He always expects the best of me, always there to make me feel that my life is worth living. My teacher, my hero :)

           
         
       





           

"My Teacher My Hero" ni Camille Molina




Noong ako’y nasa elementarya, isa siya sa mga naging gurong tagapamatnubay ko. Marunong siyang magpahinahon ng klase nang hindi sumisigaw o nagpapasabog dahil alam niyang mas madadagdagan lang ang ingay kapag sumigaw siya. Mayroon din siyang mahabang pasensya. Kahit makukulit kaming mga estudyante ay hindi siya nag-aalsa ng kamay sa amin, hindi katulad ng ibang gurong nananakit. Nakikihalubilo rin siya sa amin ng mga kamag-aral ko kapag kami ay nagkakatuwaan sa labas ng klase, pero hindi lamang mga kwento ang naibabahagi ko sa kanya kundi pati mga problema. Ang ganitong katangian ng isang guro ay mahalaga dahil sila ang pangalawang magulang. Bakit mahalaga? Dahil may mga estudyanteng walang mapagsabihan ng problema lalo na kung tungkol sa pamilya ito. Ang kanyang pagsuporta sa aking mga ginagawa ay nakakalakas din ng loob lalo na sa mga patimpalak. Marami na rin akong natutunan sa kanya at alam kong mas dadami pa ito hangga’t may komunikasyon kami sa bawat isa. Tinutulungan niya rin ako sa mga gawain sa paaralan kahit hindi niya na ako hawak. Mabuti siyang tagapaggabay hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa aking mga kaklase, lagi niyang pinapaalala sa aming manalig sa Diyos. Ang tinutukoy ko dito ay si Richel Flores, hindi lang guro, bayani din sa kanyang sariling paraan.


Saturday, August 18, 2012

Brief Quiz Comment ni Pamela Gutierrez

Quiz comment: ang ating pinakahuling pagsusulit d gaanong mahirap dahil ako'y nakapag bukas (scan) ng aking aklat para pag aralan ang mga bagay na natalakay ng mga reporters noong nakaraan na mga araw... at ako'y umaasang makakapasa ako sa pagsusulit na yun... talagang ang swerte2 namin ngayong araw ng fiesta dahil kami'y nabigyan ng break sa aming pang araw2 na mga gawain sa paaralan...

Lakas ng Wikang Filipino, Tatag ng Pagka-Pilipino





          Ano nga ba ang wika? Bakit ba ito mahalaga? At sa anong aspeto ba ng ating pagkatao ito nakakatulong?

          Ang wika ay importante sa komunikasyon ng mga tao. Ito ay mahalaga sa pag-kokomunikasyon ng bawat taso sa isa't isa. Bilang isang Pilipino, dapat ay tungkulin natin ang sariling wika natin, dahil ang wikang Filipino ay bumubuo ng ating pagkatao. Ang wikang Filipino ay dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga Pilipino ngayon.

          Mahalaga ang sariling wika sa pagbibigay kulay sa ating pagkatao. Ang wikang Filipino ay nagsisimbulo rin ng kalayaan ng ating bansa sa mga banyagang sumakop sa atin dati. Kaya, dapat bilang isang Pilipino, marunong dapat tayong lumingon sa ating pinanggalingan; dapat patuloy nating gamitin ang sariling wika.

         Bilang isang Pilipino, hindi dapat natin ikahiya ang ating sariling wika dahil kung wala tayong sariling wika, parang wala na ring Pilipino na nabubuhay sa mundong ito.