Tuesday, September 25, 2012

"Si Mr.Choco" ni Emmaree Jane B. Lozada


         
            Noong nasa preschool hanggang elementarya pa ako, marami akong titser na naging kaaway. Siguro dahil na rin sa ugali kong pilya at palaaway na pati sila ay nagagalit at naiinsulto sa tuwing kinukureksyunan ko ang kanilang mali-maling grammar at pronansasyon ng mga salita:  "Teacher, it's not berd.. It's beard", "No teacher, Pluto's moon is not pronounced as Charon as chicharon.. It's Sharon, para sosyal!" at kung anu-ano pang kagaguhan na pinaggagawa ko na hindi ko na maalala. Kaya pag consultation day na with the parents, as expected, sinusumbong ako ng mga titser ko: "Ma'am you're child is misbehaving during classes" , "..ka-maldita na lang jud sa inyung bata!" , at marami pang sumbong na tulad niyan. Akala ko, forever menace na ako sa mga mata ng mga teachers ko.
           
            Pero nung nakilala ko ang mga guro sa hayskul (lalung-lalo na sa mga titser ko mula third year hanggang fourth year), naramdaman ko ang pagmamahal at bond between ng estudyante at kanyang guro. Isa sa pinaka da best kong guro ay si Sir Larry Cezar.
     
            Siya ang pinakamaalaga, nakakatawa at napaka-loving naming guro. Tatay ang tawag namin sa kanya kasi siya ang nagsilbing ama namin sa aming klasrum ng aking mga kaklase. Para lang makuha ang aming interes, sinusubukan niya palaging magpatawa habang nagleleksyon kami. Barkada rin ang turing namin sa kanya dahil nakikisabay siya sa aming mga birit na jokes at kakwelahan. Kalaro siya ng DOTA ng aming mga kaklaseng lalaki at kapustahan niya pa kung sino ang mananalo.

            In fact, may tawagan pa nga kami eh.. Buwaya tawag niya sa akin (dahil malaki raw bunganga ko) at Choco Mucho naman tawag namin sa kanya (kasi. BASTA. Alam niyo na siguro kung bakit). Kasabay namin siyang mag-outing, takbuhan at akyatan sa mesa at mga upuan sa loob ng klasrum pag naglalaro ng pambansang laro ng batch namin na Lupa't langit. Marami na man rin kaming natutunan sa kanya... Hindi lang sa larangan ng matematika, kundi pati na rin sa iba't ibang aspeto ng aming mga buhay. Tinuruan niya akong maging matatag tuwing may darating na unos sa aking buhay. Siya ang nagsisilbing tagapayo ko tuwing may problema ako sa akademiko, kaibigan, pamilya, at love life. Siya rin ang nagpapatawa sa akin tuwing ako ay malungkot. Andyan siya upang umalalay at sumuporta sa amin tuwing sasali kami ng mga patimpalak: quiz bee, contest sa loob at labas ng paaralan.

           Hinahangaan ko siya dahil bukod na siya ay maka-Diyos, siya ay isang napakabuting tao..anak..kuya..churchmate..guro..ama sa aming mga estudyante niya. At ang pinaka nakaka-touch na part? Pinapakita niya na mahalaga ako at hindi ako isang walang kwentang tao.

 He always expects the best of me, always there to make me feel that my life is worth living. My teacher, my hero :)

           
         
       





           

No comments:

Post a Comment