Tuesday, September 25, 2012

Superheroes? Hindi. [Super]villains.- Lovelle Liwanag



Ang mga guro ay mga superhero kalaban/kaaway/[super]villains. Hindi man sila nakasuot ng maskarang itim, kapa o wala man silang suot na damit panloob sa labas ng mga damit nila, sila’y mga kalaban sa aking mga mata. Bakit? Dahil sa may kapangyarihan sila sa mga estudyante nila at alam nila na hindi sila makakapalag (1) may kakayahan silang ibagsak ang kung sino mang estudyante na hindi nila gusto. Paraparaan lang ‘yan. At dahil nga guro sila at estudyante ka lang (2) pwede ka nilang pahiyain at laitin sa harap ng buong klase pero kapag ikaw naman ang babara sa kanila (3) kita-kita na lang kayo sa grado mo sa asignatura na ‘yun.
Pero gaya rin ng mga [super]villains na nakikita natin sa telebisyon, may dahilan kung bakit nagagawa nila ang mga ‘kasamaan’ na ito sa mga estudyante nila. Tingin ng mga estudyante, kapag binagsak sila ng guro nila, iisipin nila agad na, “Naka naman. May galit ba ‘tong mokong na’to sa akin!?” Pero hindi ba nila naisipan na baka, BAKA, bagsak lang talaga sila? Baka hindi lang talaga sila gumawa ng matinding pagsisikap para sa asignatura na ‘yun? Iba rin kasi kung tumakbo ang isipan ng mga estudyante; baluktot. Naranasan mo na bang mapahiya ng isang guro? Kasi ako, oo. Hindi naman sa madalas pero sa minsanang nangyari ‘to sa akin, nadudurog ang buong puso’t pagkatao ko. Mahiyain akong tao kaya ‘di ko kaya; ‘di ko tanggap. Pero (2) baka ginagawa lang ‘to ng mga guro natin sa atin dahil gusto lang nila na mas mapabuti tayo. Konting tulak para maging magaling tayo sa buhay. Sa bagay, kapag wala na tayo sa ating mga eskwelahan, mas marahas ang buhay sa labas ng silid-aralan. Kaya ito lamang ang paraan nila para tayo’y maging handa. At ang (3) talagang hindi pwede ‘yan. Nakakatanda ang mga guro natin sa atin. Respeto lang. Kung gustong magreklamo, gawin ng matiwasay at maayos. Huwag parang kung sinong umasta*
*Akala mo kung sinong mabait, ah. Eh, ginawa ko na ‘yan noong high school ako, eh. Pero pinagsisihan ko naman. Pero pinainit niya [ang guro] talaga ang ulo ko, eh.




 http://be1le.tumblr.com

No comments:

Post a Comment