Ito po ay isang blog tungkol sa mga pangyayari, aktibidad, pagsusulit, at marami pang iba sa aming sabdyek na Filipino III. Wag mag-alala, ang pag-view ay libre lamang :) Gawa nila: Emmaree Lozada, Fritzy Gahuman at Pamela Gutierrez
Tuesday, September 25, 2012
"Ang Aking Tister na si Joan.." ni Fritzy Mae Gahuman
Ang pinakahindi ko makalimutan na naging guro ko sa elementarya ay si Teacher Joan. Siya ay nagsisilbing pangalawang ina ko dahil sa tuwing ako ay inaatake ng hika ay agad niya akong sinusugod sa aming clinic sa school. At sa tuwing ako ay na-aadmit sa ospital ay siya ay bumibisita at tinatanong kung ano na ang aking lagay. Tinutulungan niya din akong makapag-aral nang mabuti at iniintindi niya ang aking kalagayan. Sa sobrang close namin ay inimbita niya ako bilang bridesmaid sa kanyang kasal noong 2005. Yun na yata ang pinakamaligayang araw ng aking teacher, dahil doon ko lang nakita ang pinakamaganda niyang ngiti.
Noong nasa high school pa ako nagkaroon ako ng advicer at guro sa Filipino na napakamaabilidad at laging sumusuporta sa amin. Ang pangalan niya ay Rio Binatero Halayahay. Si Ma'am H ay laging nandyan upang ipakita ang kanyang walang sawang suporta sa amin tueing kami ay sumasali ng mga contest. Marami na kaming napagdaanan kasama ang aming teacher. Siya ay laging andyan para sa amin sa kasayahan man o kalungkutan. Noong kami ay namatayan ng kaklase at kaibigan, kasama din naming umiyak at nagdasal si Ma'am Halayahay. Siya ay laging maaasahan sa bawat panahon na kailangan namin siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment