Noong ako’y nasa
elementarya, isa siya sa mga naging gurong tagapamatnubay ko. Marunong siyang
magpahinahon ng klase nang hindi sumisigaw o nagpapasabog dahil alam niyang mas
madadagdagan lang ang ingay kapag sumigaw siya. Mayroon din siyang mahabang pasensya.
Kahit makukulit kaming mga estudyante ay hindi siya nag-aalsa ng kamay sa amin,
hindi katulad ng ibang gurong nananakit. Nakikihalubilo rin siya sa amin ng mga
kamag-aral ko kapag kami ay nagkakatuwaan sa labas ng klase, pero hindi lamang
mga kwento ang naibabahagi ko sa kanya kundi pati mga problema. Ang ganitong
katangian ng isang guro ay mahalaga dahil sila ang pangalawang magulang. Bakit
mahalaga? Dahil may mga estudyanteng walang mapagsabihan ng problema lalo na
kung tungkol sa pamilya ito. Ang kanyang pagsuporta sa aking mga ginagawa ay
nakakalakas din ng loob lalo na sa mga patimpalak. Marami na rin akong
natutunan sa kanya at alam kong mas dadami pa ito hangga’t may komunikasyon
kami sa bawat isa. Tinutulungan niya rin ako sa mga gawain sa paaralan kahit
hindi niya na ako hawak. Mabuti siyang tagapaggabay hindi lamang sa akin kundi
pati na rin sa aking mga kaklase, lagi niyang pinapaalala sa aming manalig sa
Diyos. Ang tinutukoy ko dito ay si Richel Flores, hindi lang guro, bayani din
sa kanyang sariling paraan.
No comments:
Post a Comment